Dagupan City – ‎Mahigit 300 alagang aso at pusa ang nabigyan ng libreng bakuna kontra rabies sa isinagawang Anti-Rabies Vaccination Drive ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa Barangay Osiem.
‎
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang aktibidad at bukod sa pagbabakuna, sinagot din ng opisyal ang mga tanong ng mga pet owner hinggil sa tamang pag-aalaga sa kanilang mga alaga.
‎
Aabot sa 340 alagang hayop ang nabakunahan, habang 135 residente naman ang lumahok sa programa bilang pagpapakita ng kanilang malasakit at responsibilidad sa kalusugan ng kanilang mga alagang hayop
‎
Tumulong sa maayos na daloy ng programa ang pamunuan ng Barangay Osiem sa na nagtulungan sa pag-organisa ng aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office.
‎
Sa patuloy na suporta ng komunidad, target ng pamahalaan na maging protektado ang mamamayan laban sa rabies.