Ikinagulat ng marami ang naging resulta na majority draw sa laban ni Pambansang Kamao at 8 Division World Boxing Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao kontra kay Mario Barrios.
Ayon kay Bradford Adkins, bombo International News Correspondent in USA, nakakataba aniya ng puso dahil binigyang parangal pa rin at paggalang ang pambansang kamao matapos ang laban.
Aniya, maraming Pilipino sa Las Vegas ang dismayado sa laban nang marinig ang resulta dahil lumamang na ito sa naunang mga round.
Sa kanyang personal na panonood ay isinalarawan na bata pa ring tignan si Pacquiao dahil hindi aniya nagbago ang kanyang bilis at ang galaw ng kanyang kamao.
Kaya maganda aniya ang legacy nito kahit nauwi sa draw ang nasabing laban.
Naniniwala aniya ang marami na ibinigay ng Pacman ang lahat ng makakaya para maipanalo ang laban.