DAGUPAN CITY- Mainit na labanan ang inaasahan sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup Finals kung saan magtatapat para sa korona sa pagtatapos ng Season 49 ang San Miguel Beermen at TNT Tropang 5G.
Balik sa finals ang San Miguel Beermen, na target muling maibalik ang kanilang dating paghahari sa All-Filipino Conference.
Samantala, TNT naman ay nasa misyon na makamit ang kauna-unahang grand slam title sa kasaysayan ng kanilang franchise.
--Ads--
Ayon kay Coach Leo Austria ng San Miguel, hangd ng kanilang team ang championship.
Matatandaang hindi nakaabot sa kampeonato ang SMB noong nakaraang Philippine Cup.