Sasampahan ni Charlie “Atong” Ang ng kaso ang whistleblowers na tinuturong siya umano ang mastermind sa likod ng Missing Sabungeros case.
Sinabi ng kampo ni Ang, nakatakda ang kanilang paghahain ng kaso ngayon araw, July 3, sa Office of the Mandaluyong City Prosecutor Arthur Magpantay laban kina Julie “Dondon” Patidongan at Alan Bantiles, alias “Brown”.
Maaaring maharap ang mga ito sa kasong attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion, incriminating against innocent persons at slander.
Naninindigan ang kampo ni Ang na ang mga ito ay gumawa lamang ng mga kuwento na pawang walang katotohanan at may layuning sirain ang pgkatao ng negosyante.
Panawagan naman nila sa publiko na huwag ikalat ang maling impormasyon ng walang anumang ebidensya.