DAGUPAN CITY- Nagsimula na sa physical fitness activity ang mga kapulisan ng Police regional office 1 kaugnay sa pagsuporta sa health and wellness advocacy ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Pol.Gen. Nicolas Torre III.

Ang “PULISTENIKS” ay isang physical fitness activity na naglalayong isulong ang kalusugan, disiplina, at pagkakaisa sa hanay ng kapulisan. Ang nasabing programa ay isinagawa PRO 1 Auditorium.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga tauhan ng Police Regional Office 1 kung saan sila ay nakiisa sa mga ehersisyo tulad ng calisthenics, cardio, at Zumba.

--Ads--

Layunin nitong patibayin ang kahandaan ng mga pulis at pangalagaan ang kanilang pangkalahatang kalusugan—mental, pisikal, at emosyonal.

Ito ay nagsisilbi ring patunay ng pagkakaisa ng PRO 1 sa adhikain ng Hepe ng PNP na mapanatili ang malusog at malakas na pangangatawan ng bawat miyembro ng kapulisan

Bukod dito, ito ay nagpapakita rin ng pagkakaisa ng PRO 1 sa adhikain ng Hepe ng PNP na mapanatili ang malusog at malakas na pangangatawan ng bawat miyembro ng kapulisan.

Sa ganitong paraan, ang aktibidad ay naglalayong itaguyod ang pangkalahatang kagalingan ng mga pulis upang mas mabisa nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin.