Naging emosyonal ang pamamaalam ng tatlo na graduating board members ng Sangguniang Panlalawigan kabilang ang PCL President sa ginanap na huling regular session noong lunes, bago ang pormal na pag-upo ng mga bagong halal na miyembro sa susunod na linggo.
Kung saan opisyal silang pinarangalan sa pamamagitan ng taos-pusong pasasalamat at pagkilala mula sa pamunuan ng sanggunian.
Isa sa mga pinaka-naging emosyonal ay si BM Chinky Perez Tababa ng ikalimang distrito, na nagpasalamat sa kanyang mga kababayan at sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Aniya na hangad niyang dalhin ang kapital ng serbisyo na mas malapit sa tao upang madama nilang may gobyernong maaasahan, may malasakit, may pakikinig, at may tunay na serbisyo.
Ibinahagi rin niya ang kanyang pasasalamat sa mga naging katuwang sa pagsasakatuparan ng mga programa para sa kababaihan, persons with disabilities (PWDs) at LGBT community, na aniya’y hindi magtatapos kahit natapos na ang kanyang termino.
Samantala, nagpaabot rin ng pasasalamat si Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino sa kontribusyon ng mga graduating board members.
Ayon sa kanya, malaking bahagi ng tagumpay ng pamahalaang panlalawigan ang sipag at dedikasyon ng mga ito.