Dagupan City – Plano ngayon ni Pangasinan 2nd District Representive Mark Cojuangco na gawing premier highway ang dike road na mag uumpisa sa Capitol town ng Lingayen.
Ang 40 kilometers dike road ay magkokonekta sa Lingayen patungong San Carlos City na dadaan sa Urbiztondo hanggang sa bayan ng Bayambang.
Ayon kay Cong. Cojuangco, ang 6-lane premier highway ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kay 3rd District Rep. Rachel Arenas para mapabilis ang paggawa ng proyekto at magbubukas ng mabilis na transportasyon mula Lingayen patungong Bayambang na kokonekta sa San Manuel, Tarlac at magiging shortcut sa TPLEx.
Aniya, malaking tulong ito sa mga taga 2nd at 3rd district bilang may pinakamalaking populasyon sa lalawigan.
Dagdag pa nito, target nitong matapos ang proyekto sa loob ng 6 na taon o sa pagtatapos ng kanilang termino bilang kongresista
Kasama din sa proyekto ang pagtatayo ng 5 hanggang 8 resettlement areas na apektado ng nasabing proyekto.
Matatandaan na nagsagawa ng Oathtaking Ceremony sa Sison Auditorium sa Lingayen kamakailan si Cong. Cojuangco matapos ang landslide victory sa katunggali nito para sa kanyang ikalawang termino.