DAGUPAN CITY- Isa lamang umano sa P5 provisional fare increase na hinihingi ng transport sector ang posibleng P1 jeepney fare hike sa susunod na linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, Presidente ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), malaki na itong tulong sa mga driver at operators na halos wala nang kinikita dulot ng walang humpay na pagtaas ng produktong petrolyo.
Aniya, magandang bagay naman sa mga mananakay na flat rate ang pagpapatupad na ito upang hindi sila maghikahos sa pagtaas ng pamasahe.
Inaasahan pa rin kase ang pagtaas ng presyo ng pretrolyo dahil sa tumitinding hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran.
Gayunpaman, hiling ni De Luna na hindi gawin dahilan ng gobyerno ang nasabing kaguluhang upang magpatuloy pa ang pagtaas nito.
Saad pa ni De Luna, wala pang katiyakan kung magiging permanente ang nasabing taas-pasahe.
Sa kabilang dako, ayon kay De Luna, marami na sa ngayon ang pinipiling sumakay sa modernized jeepneys kahit pa siksikan ito dahil sa mas kumportable ito.
Kaniya lamang pinapaalala na iwasan ang overloading upang makaiwas sa anumang insidente.
Hindi naman kase aniya kailangan na maging siksikan ito at kinakailangan lamang ng tamang management.