Dagupan City – Naging matagumpay at maayos ang naging pagbubukas ng klase dito sa Sabangan Elementary School dito sa barangay Bonuan Gueset sa lungsod ng Dagupan.
Buo ang naging suporta ng mga magulang dahil pagsama at pababantay ng kanilang mga anak lalo na ang mga magulang ng bagong estudyante na mga kindergarten.
Nagkaroon dito ng opening ceremony na sinundan ng dance exercise at pagpapakilala sa mga guro sa paaralan at sa bagong punong guro dito.
Sa naging mensahe ni Maricris Ferrer ang Principal IV sa paaralan ay inilatag nito alituntunin at mga dapat tandaan ngayong School Year 2025-2026.
Ibinahagi nito ang mga alituntunin na dapat sundin at isagawa ng mga bata at magulang sa loob ng paaralan.
Gaya na lamang pagsusuot ng puting uniporme, iD at pagpasok sa tamang oras, pagtutok sa waste management kaya ang kanilang ipaptupad ay ang Basura ko, Iuwi ko, sumunod naman ang tumbler challenge na nag-uutos ng pagdadala ng tubig upang hindi madehydrate ang mga bata.
Ipinaliwanag din nito ang binigay palugit sa mga magulang sa pagbabantay sa kanilang mga anak na nasa kinder kung saan bibigyan lamang sila ng 2 linggo para sanayin ang mga bata na maging independent at parte na din sa pagtitiwala ng mga magulang sa mga guro.
Samantala, umaabot na sa kabuuang 803 enrollees mula sa mahigit 900 noong nakaraang taon ngunit madadagdagan pa ito dahil nasa nagpapatuloy pa ang kanilang enrollment sa kasalukuyan na magtatagal pa ng dalawang linggo.
Sa kabilang banda, hindi naman maiwasan sa unang araw ang pagkakaroon ng separation anxiety sa mga bata lalo na ang mga mag-aaral sa kindergarten.
May mga laging nakatabi sa kanilang mga magulang, umiiyak at ayaw muna pumasok sa loob ng silid aralan.
May iba din naman ang nagpakita ng pagkabibo sa klase at tahimik lamang na nakikinig sa kanilang guro.
Gaya na lamang ni Maximo Avejero ang apo ni Carmilita Avejero.
Ayon sa kanyang lola na kanilang pumasok sa silid aralan ay nanguna na itong umupo at nakikisalamuha na sa mga batang katulad niya.
Ibinahagi naman nito na ulila na sa ina ang kanyang apo kaya siya na ang nagbabantay dito kabilang ang isa niyang apo na grade 3.