DAGUPAN CITY- Handang handa na ang paaralan ng Dagupan City National High School (DCNHS) para sa pagbabalik eskwela ng kanilang mag-aaral sa June 16, 2025, kung saan ngayong araw ay pormal nang sinimulan ang brigada eskwela ngayong sa temang “Brigada Eskwela: Sama-Sama Para sa Bayang Bumabasa”, ang linggong aktibidad na ito ay magtatampok ng maraming kaganapan upang ipakita ang pagkakaisa sa pagbubukas ng paaralan.

Ayon kay Willy U. Guieb ang siyang principal na bukod sa pagtitiyak na maayos lahat ng mga pasilidad at mga kagamitan na gagamitin ng mga mag-aaral ay kanila ring tutukan ang mga estudyante sa pagbabasa.

Sa pamamagitan ng mga program na makakatulong para sa mga learner.

--Ads--

Ang naturang paaraln ang nagsilbing host ng Division Kick-Off Ceremony ngayong taon.

Magtatagal naman ng brigada eskwela hanggang June 13, 2025.

Kabilang naman ang iba’t ibang ahensya sa brigada ekswela gaya na lamang BFP Dagupan, BJMP, Dagupan PNP at iba pang mga stakeholders.

Nakatanggap naman ng bag ang mga piling mag-aaral na benipisyaryo ng 4ps mula sa donasyon ng class of 1985

Samantala, Ayon din kay Dr. Vladimer Parayno ang siya naming Focal person ng Brigada Division SDO Dagupan City na tinatawagan nito ng pansin ang lahat ngmga stakeholder na makiisa at makipagtulungan sa brigada eskwela para sa ligtas at maayos na pagbabalik ng mga mag-aaral.

Anya na handing handa na rin lahat ng mga paaralan dahil bago ang kick off ceremony ay nagsagawa na rin sila ng mga kaliwa’t kanan na pagpupulong para sa rito.

Bukod din dito ay nakikipag-ugnayan din sila sa apat na unibersidad dito sa laungsod ng Dagupan para sa pagsuporta sa mas lalong pagkatuto ng mga bata sa pagbabasa.