Patuloy parin ang panawagan ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) partikular na sa senado at kay Pangulong Marcos na aprubahan na bilang ganap na batas ang Wage Hike Bill.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josua Mata Secretary General ng nasabing grupo kapag naipasa ito sa saligang batas ay mainam na agarang pirmahan dapat ni Pangulong Marcos bago matapos ang 19th Congress.

Aniya na matagal na proseso na ang kanilang pinagdaanan sa panukalang ito hindi na para muling ilaban pa sa 20th Congress.

--Ads--

Saad nito na maraming minimum wage earners ang mas mababa pa sa poverty threshold ang kanilang sahod sa loob ng 36 na taon kaya’t pagkakataon na ito ng senado at ng Pangulo na maitama ang matagal ng historical injustices sa bansa.

Upang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataon na makabawi ang gobyerno sa pagtitiis na ito.

Bagama’t nangako si Speaker Romualdez na maaaprubahan ito bago matapos ang 19th Congress kaya’t kapag hindi ito nagawa ay napakalaking kasalanan ito aniya sa mga manggagawa.

Panawagan naman nito sa publiko na magsama-sama sa kanilang isasagawang pagkilos at ipaalala sa mga senador na kailangang puspusang maitulak ang pagpasa ng wake increase para sa mga manggagawa.