Mga kabombo! Isa ka ba sa mga tinatamad gumising para pumasok?
Paano na lamang kung malaman mong may isang high school student pa lang nakapagtapos ng pag-aaral na walang mintis sa attendance?
Kinilala ito na si James Brown III. Kung saan tinagurian ding isang nakakabilib na kuwento ng talino, sipag, at determinasyon ang hatid ng 18-anyos na mula North Carolina, USA.
Nagtapos siya bilang class valedictorian ng Wilson Preparatory Academy at nakakuha ng napakataas na 4.2 GPA—mas mataas pa sa karaniwang 4.0 na pinakamataas sa maraming paaralan sa Amerika.
Ayon sa ulat,—mula kindergarten hanggang high school, hindi kailanman nag-absent si James!
Balak ni James ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Fayetteville State University, kung saan kukuha siya ng general engineering at sa kanyang third year pa siya pipili ng major.
Ayon sa kanyang ama na si James Brown Jr., minana raw ni James ang pagiging dedicated sa kanya.
Kaugnay nito, isa naman sa kaniyang pinanghuhugutan ng inspirasyon ay ang kaniyang lola.
Batay sa salaysay kasi ng ina ni James na si Annetta, nasunog ang kanilang bahay na siyang naging sanhi ng pagkasawi ng kaniyang lola.
Dahil dito, ang pangarap para sa kaniyang apo na masaksihan sa entablado habang tinatanggap ang parangal ay kaniyang sinikap na tuparin kahit pa man wala na ang lola.