Alinsunod sa paalala ng Commission On Election o Comelec na matapos ang eleksyon ay kinakailangan na baklasin ang mga ginamit at inilagay na campaign materials sa mga lugar.
Kung saan nagsagawa ang young environmental advocates ng Lingayen ng Oplan Baklas 2025 sa mga campaign materials na hindi pa natatanggal ng mga tumakbong kandidato sa kakatapo na halalan. Ang hakbangin na ito ay upang maipakita ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan.
Ang mga natanggal na materials ay muling binigyan ng bagong paggamit sa pamamagitan ng paggawa sa eco-bags, trapals, plant pots at iba pang mga posibleng marecycle na kagamitan.
Ang inisyatibo na ito ay pinangunahan ng Municipal Envirinment Natural resources office (MENRO), Local disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO) at youth Volunteers Facilitator ng bayan. Naging pangunahing donasyon naman ang mga tarpaulin ng alakalde ng bayan na si Mayor Leopoldo Bataoil para sa kanilang gagawing proyekto.
Kaugnay pa nito ay inilunsad din ng Young Environmental Advocates of Lingayen ang second wave of tarpaulin collection, kaya naman nanawagan ang mga ito sa mga politiko na handing tumulong na dalhin lamang ang kanilang mga ginamit na tarpaulin sa Brgy. Quibaol MRD sa bayan para sa pagrecycle ng mga ito at makakatulong sa komunidad.