DAGUPAN CITY- Sigaw ngayon ng mga kaguruan na maibigay agad ang kanilang honorarium bilang pagkilala sa kanilang effort at sikap na ipinakita noong nakaraang halalan.
Ikinadismaya ni Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerend Teachers, nang makapanayam siya ng Bombo Radyo Dagupan, ang hanggang sa ngayon ay may mga guro pa rin na hindi ito natatanggap at pinatawan pa ng tax sa maliit na honoraria.
Aniya, sa ilalim ng Election Service Reform Act, hindi dapat lalagpas sa 15 araw pagkatapos ng halalanb ang pagbibigay nito at may pananagutan ang mga election officers kung mabigo ito gawin.
Gayunpaman, dapat lamang na hindi na hintayin ang nasabing araw at agaran ang pagbibigay sa kabayaran ng mga guro.
Giit ni Basilio, maliban sa buwis buhay para sa mga guro ang maging electoral board, lalo na sa mga hot spot areas, naiulat din na ito ang pinakanakakapagod na halalan dahil sa isyu ng mga Automated Counting Machine (ACM) at naitalang init ng panahon.