DAGUPAN CITY- Nakikita ng isang bagong halal na konsehal ang pangangailangang dapat tugunan sa bayan ng Mangatarem.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Luna Calugay, Councilor Elect ng Mangatarem Pangasinan, halo-halo ang kaniyang emosyon sa nangyaring halalan.
Aniya, dahil sa tiwala na ibinigay ng mga mamamayahn sa kaniyang serbisyo at tuloy pa rin ang kanialng programa sa bayan ng Mangatarem.
Gusto rin aniyang ipagpatuloy ang mga nasimulang programa sa kanilang barangay sa pamamagitan ng pagpapalawak nito sa buong bayan.
Dagdag niya, isa sa kaniyang lauyunin ay ang pagiging boses ng mga nasa laylayan
Samantala, sa kaniyang paninilbihan ay nais niya ring magkaroon ng sariling gulayan ang bawat barangay sa kanilang bayan uapng magsilbing livelihood.
Isa rin aniya sa kaniyang tututukan ang komiteng ipagkakaloob sa kaniya.