Matagumpay na napigilan ng mga kasapi ng Aguilar PNP ang hostage taking na nangyari sa barangay Poblacion sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.
Ayon kay police major Mark Ryan Taminaya, hepe ng Aguilar PNP, nakatanggap sila ng tawag na di umanoy pangugulo ng isang babae sa kanilang bahay.
Agad silang rumisponde at pagdating sa lugar, ay nasaksihan na hawak ng hostage taker ang isang lingkaw at gustong magpakamatay pero nang pigilan siya ay pinagbalingan naman niya ang 90 – anyos na lolo na si Ernesto Martinez na tangkang gilitan sa leeg pero napigilan ng mga kapulisan.
Lumalabas sa imbestigasyon na dumaraan sa mental health problem ang suspek.
Ayon sa kanyang kaanak nagsimulang magbago ang pag uugali ng suspek mula ng magkaroon sila ng problema ng live in partner kung saan laging lango sa alak at walang matinong kaisipan.
Dinala na siya sa Bataan Mental Hospital at hindi na rin sinampahan ng kaso dahil wala sa tamang pag iisip ang suspek.