Nahuli ang isang 76-anyos lolo sa bayan ng Laoac matapos ma-neutralize ng mga pulis dahil sa ginawa nitong pang-hohostage sa isang 3-anyos na bata sa Barangay Poblacion.

Ayon sa ulat ng Laoac Police Station, naglalakad ang bata kasama ang kanyang kamag-anak patungo sa palengke nang bigla itong dakpin ng suspek na may dalang patalim.

Sinubukan ng mga pulis na makipag-negosasyon sa suspek ngunit nagmatigas ito.

--Ads--

Nagresulta ito sa isang sagupaan sa pagitan ng suspek at mga rumespondeng pulis, na nagtapos sa pagka-neutralize ng suspek kung saan narekober naman ang patalim na ginamit nito.

Batay sa mga awtoridad, may balak umanong magpakamatay ang suspek kaya’t nangyaro ang ganitong insidenteng.

Ligtas namang nakuha ang biktima sa kanya habang nadakip naman ang suspek sa tulong ng mga taong naroroon at koordinasyon sa mga otoridad kung saan kasalukuyan nang inihahanda ng pulisyo ang kasong maaring maisampa laban dito.