Nakataas pa rin sa blue alert status ngayong araw sa region 1 ayon sa Emergency Operation Center ng Office of the Civil Defense (OCD).
Ayon kay Addriane Pagsolingan, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense, dinagsa ng mga turista ang region 1, ngunit wala pa silang datos dahil ongoing pa ang consolidation at pagkalap ng mga information sa mga concerned agencies.
Sa pangkalahatan ay mapayapa ang semana santa dahil walang mga major incidents maliban lamang sa ilang minor incidents pero naagapan din agad ang mga ito.
Normal din aniya ang trapiko maliban lamang sa mga business district areas pero walang major vehicular accidents
Samantala, muling nag paalala rin si Pagsolingan na paghandaan ang iba pang kalamidad gaya ng posibleng paglindol at sa naranarasang heat index na palaging uminomng tubig.
Muling nagpapaalala siya sa mga bisita na mag ingat at tiyakin na maayos ang mga sasakyan bago bumiyahe.