DAGUPAN CITY- Tila minadali ang pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Sa panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Atty. Edward Chico, isang Law Professor at Political Analyst, dapat na tumingin sa mga pangyayari bukod sa aspetong politikal.
Aniya, dapat ding tingnan ang ilang mga instances tulad ng legalidad ng mga pangyayari.
Dapat din aniyang hindi minadali ang proseso at binigyan ng pagkakaton ng dating Pangulo na pagaliwanag o maidepensa ang sarili.
Wala na ring bisa ang ilang mga hakbang na maaari sanang gawin dahil minadali ang lahat at agad na dinala ang dating Pangulo sa Netherlands.
Taliwas din ang naging takbo ng proseso at kailangang maghanap ng excuse at palabasin na galing sa interpol ang pagka aresto sa dating Pangulong Duterte.
Wala ring police force ang ICC at magagawa lamang ang pagka-aresto kung makikipag coordinate sa member staes at powerless din, tulad ng nangyari sa ilang mga bansa na may parehong kaso.
Dagdag niya, nangingialam lang yung ICC kung sa bansang hindi na talaga makakamtan ang hustisya.