Mga kabombo! Hanggang saan ang kaya mong gawin para lamang magtagumpay ang iyung artwork?

Kaya mo bang bigyang diin ito sa pamamagitan ng pag-apply sa realidad?

Pero paano na lamang kung ang pag-aapply sa realidad ay ay siyang pagkitil naman sa mga inosente?

--Ads--

Naging konterbersyal aksi ang isang exhibit sa Denmark dahil umani ito ng matinding batikos matapos na subukang patayin sa gutom ang tatlong biik sa loob ng isang lumang slaughterhouse.

Kinilala ang artist na si Marco Evaristti, at pinamagatan nito ang artwork na “And Now You Care?” habang nakalagay ang tatlong biik sa isang kulungan na yari sa metal na shopping cart, pinalibutan ng mga painting ng kinatay na baboy, at Danish flag.

Isa sa hindi matanggap ng publiko ay ang plano niyang hindi pakainin ang mga biik at hayaan silang mamatay sa uhaw at gutom.

Ayon kay Evaristti, layunin ng kanyang sining na gisingin ang lipunan sa malupit na kondisyon ng mga baboy sa Denmark, na isa sa pinakamalalaking pork exporters sa mundo.

Libu-libong baboy ­umano ang namamatay taun-taon dahil sa kapa­bayaan sa mga pig farms doon kaya nais niyang ipakita kung paano binabalewala ang paghihirap ng mga hayop.

Ngunit, hindi nagtagumpay ang kaniyang plano, dahil biglang naglaho ang tatlong biik dahil isinalba ang mga ito ng animal rights group.
At tinawag si Evaristti bilang “baluktot na artist,” na sinagot naman niya ng bantang pagsasampa ng kaso.