Tumaas ang presyo ng kada kilo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil umano sa epekto ng matinding init.

Nasa P15 hanggang P30 ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng manok depende sa parte nito.

Nagkakahalaga ng P195 kada kilo o higit pa, habang ang pakpak ay P220 kada kilo, ang hita ay P200 kada kilo, ang paa ay P170 kada kilo, at ang atay at balumbalunan ay nagkakahalaga ng P180 kada kilo.

--Ads--

Samantala, sa monitoring naman ng Department of Agriculture (DA) sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila, pumapalo sa P190 hanggang P250 ang presyo ng kada kilo ng manok.

Samantala, pinangangambahan ng ilang vendor na baka malugi sila.

Anila, napipilitan silang magbaba ng presyo ng manok kahit mataas ang kuha nila dahil kadalasan ay matumal ang bentahan.

Ayon sa ilang nagtitinda, nagmahal ang manok dahil sa epekto ng matinding init at dahildityo ay apektado rin ang kalidad ng mga manok mula sa poultry farms.