DAGUPAN CITY- Dapat na pagtuunan ng mga mambabatas sa ating bansa ang budget allocation para sa National Defense ng bansa upang mapalakas ang sandatahan ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang Political Analyst, dapat na mapalakas ang seguridad dito sa Pilipinas, lalo na at marami nna ang nangyayaring isyung may kinalaman sa Security System sa bansa.

Aniya, hindi maaaring tutulan ang panawagan ng mga mambabatas, ngunit dapat na maisip rin ng kongreso na mayroon silang magagawa upang mapalakas ang depense ng bansa.

--Ads--

Nagiging one sided rin ang nangyayari dahil dapat ay alam din ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin ay magagawa sa bansa tulad ng hindi pagbabawas sa budget sa AFP modernization Program.

Dagdag niya, kung may maayos na budget allocation ay mas magiging malaki ang change na maging maayon ang security system ng bansa.

Mayroon din aniyang kakulangan sa trainings, kagamitan at pasilidad na dapat pagtuunan kung nais talagang maging maayos ang execution nito.