Mga kabombo! Tila muling ipinamalas ni Dan Galanto ang kanyang kakaibang lakas at balanse nang magtagumpay siya sa tatlong world records sa weightlifting at unicycling!

Matapos ang ilang taon ng pagsasanay at determinasyon, nakuha muli kasi ni Dan ang record para sa “heaviest single weight lifted by barbell overhead press while riding a unicycle,” nang matagumpay niyang mabuhat ang 93 kilograms na barbel—isang tagumpay na nagpatunay na hindi lang lakas ang kailangan sa ganitong uri ng sport, kundi pati na rin ang perfect na balanse!

Hindi pa natapos ang kanyang record-breaking journey. Ngunit, dinagdagan pa ni Dan ang kanyang listahan ng dalawang world records pa, kabilang ang “heaviest single weight lifted by dumbbell overhead shoulder press while riding a unicycle” at “heaviest weight lifted by barbell push press on a balance board.”

--Ads--

Dahil dito, nalamangan niya ang mga dating record holders mula sa United Kingdom at Italy, na nagbigay sa kanya ng global recognition!
Nagsimula ang kwento ni Dan sa edad na 13 nang mag-umpisa siyang magbuhat ng weights, at sa edad na 16, natutunan niyang mag-unicycle.

Bukod sa pagiging world record holder, isa ring inspirasyon si Dan sa kanyang komunidad sa Grand Rapids, Michigan, kung saan nagtuturo siya ng unicycling sa mga kabataan.