Dagupan City – Binuksan na para sa mga residente sa bayan ng Agno ang bagong Super Health Center.
Kung saan pinangunahan ng local na pamahalaan ng bayan ang nagging pagpapasinaya nito katuwang ang mga opisyales, rural health unit, mga residente ng bayan, Department of Health Region 1 at maging ang mga bisita upang masaksihan ang bunga ng patuloy na pagtutulungan at pagmammahal sa kanilang kumunidad.
Ang Super Health Center ay may malaking tulong dahil ito ay isang pinahusay na bersyon ng rural health unit, na nag-aalok ng malawak na hanay ng mga serbisyong pangkalusugan tulad ng pamamahala ng database, outpatient care, mga pasilidad para sa panganganak, mga serbisyong diagnostic (kabilang ang mga laboratory test, X-ray, at ultrasound), mga serbisyong parmasya, at mga ambulatory surgical unit.
Ang pangunahing layunin nito ay pangangalaga sa kalusugan.Ang pagtitiyak na ang komunidad ay nakakakuha ng mga serbisyong pangkalusugan mula sa pangunahing pasilidad ng pangangalaga ay kinakailangan upang makamit ang pinakamainam na malusog at maiwasan ang paglaganap ng mga sakit.
Ang konstruksyon ng Agno Super Health Center ay patunay ng dedikasyon na pagbutihin ang buhay ng bawat residente, lalo na ang mga nasa kanayunan. Lubos naman ang nagging pasasalamat ng alcalde sa lahat ng tao na nagging daan para sa bagong super health center.
Ang pag-secure ng kinakailangang pondo para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan ay patunay ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga kababayan.