DAGUPAN CITY- Ibinahagi ng Philippine Dentist Association- Pangasinan Chapter ang kahalagahan ng tamang pagtotooth brush upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ngipin.

Ayon kay Dr. Beah Bautista, head ng tanggapan ng nasaing opisna, mayroong pitong gabay sa tamang paraan ng pagsisipilyo.

Una sa mga hakbang ang sapat na fluoride sa toothpaste, ikalawa, paglalagay ng wastong dami ng toothpaste, paiikot-ikot sa bawat ngipin.

--Ads--

Aniya na kabilang sa gabay na ito, paalala na iwasan ang pagmumog matapos ang pagsisipilyo na kung saan ay kanilang ipinopromote ng katiyakan na magiging epektibo ang toothpaste sa pangangalaga ng ating mga ngipin.

Dagdag niya, sa pangkalahatan, ang pagkakaroon ng malusog at magandang oral health ay napakahalaga para sa ating pangkalahatang kalusugan, kumpiyansa, at kalidad ng buhay at gayundin ay makakatulong sa pag-iwas sa iba’t ibang mga komplikasyon.

Bukod dito, maigting din ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan at pagmomonitor sa mga paaralan sa mga programa kaugnay sa oral health ng mga bata.

Nilalayon din ng Philippine Dentist Association na makamit ang mga layuning ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo at mga oportunidad para sa mga dentista, mga pasyente, at mga komunidad sa probinsya.