Dagupan City – Mga kabombo! Ilang taon kayo nang tumungtong sa kolehiyo?

O kaya’y ilang taon na ang kilala mong pinakabatang university professor? 18? 20? Paano na lamang kung malaman mong may basta pa diyan?

Tila usap-usapan kasi online ang viral na Batang Professor na kinilalang si Suborno Bari.

--Ads--

Paano ba naman kasi, sa murang edad ni Suborno na 12-year-old, hindi mo aakaling ganap na pala itong professor.

Ayon sa ulat, kinilala si Suborno dahil sa kaniyang pagtuturo sa isang klase ng mga estudyanteng mas matanda pa sa kanya.

Dahil dito, binansagan siya bilang pinakamabatang university professor ng marami.

Si Suborno, ay mula sa New York, kung saan, sa edad niyang dalawang taon pa lamang, memoryado na raw niya ang periodic table of elements.

Sa ngayon, nag-aaral siya ng Mathematics sa New York University (NYU).

Ayon sa kanyang mga magulang, si Suborno ay natuto ng math sa edad na dalawa at mabilis na nakakaunawa ng mga kumplikadong equations.

Hindi nagtagal, nagsimula siyang magbigay ng lecture sa iba’t ibang unibersidad, kabilang na ang isang imbitasyon mula sa India noong siya ay pito taong gulang pa lamang.

Sa kabila ng kanyang kabataan, mas pinagtutuunan ngayon ni Suborno ang kanyang pag-aaral kaysa sa pagtuturo, ngunit patuloy pa rin siyang tumatanggap ng mga imbitasyon para mag-lecture. Ayon kay Suborno, napakaswerte niya na may mga magulang siyang laging sumusuporta sa kanyang mga pangarap.