Mistulang bumalik na sa dati ang pagsasama nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos maplantsa ang gusot sa pagitan nila at ng matalik na kaibigan ng surfer na si Swedish marine photographer Pernilla Sjoö.

Panay ang post ni Andi ng bonding moments nila ng kanyang pamilya.

Noong February 13, 2025, ibinahagi ni Andi ang ilang larawang kuha sa swimming pool kasama ang paternal grandparents niyang sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa.

--Ads--

Gayundin ang larawang kasama ang kapatid niya sa ama na si Stevie Eigenmann at ang panganay na anak ni Andi na si Ellie Ejercito.

Kahapon ay ang bonding naman nina Andi at Philmar ang ibinahagi ng aktres kung saan ay kasama nila ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.

Mensahe ni Andi sa wikang Bisaya: “Dire ra sa kun hae an malinawon sa tagalog ay dito lang muna tayo kung saan matahimik.”