Nakamit ng Schools Division Office (SDO) ng Ilocos Sur at SDO Pangasinan II ang overall Champion sa ginanap na Regional School Press Conference dito sa lungsod ng Dagupan.

Ilan sa mga katergorya na nakamit nila sa unang pwesto ay ang Radio Broadcasting and Scriptwriting Filipino Category at 3rd place sa English Category sa Secondary Level, 1st place naman dito ang English Category ng Elementary Level; 1st place sa Collaborative and Desktop Publishing, at marami pang iba.

Nag umpisa ang Regional School Press Conference (RSPC) at Regional Festival of Talents (RFOT) para sa Rehiyon 1 dito sa syudad ng Dagupan noong February 11 at natapos ngayong araw.

--Ads--

Mula sa Pangasinan II, nag uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil muling naibalik sa kanila ang pagiging kampyon.

Pagod at puyat ang kasama sa preparasyon ng mga kalahok sa bawat category.

Pagkatapos nito ay pinaghahandaan naman ang nalalapit na National School Press Conference (NSPC), na gaganapin sa lalawigan ng Ilocos Sur kung saan ang mga nanalong kalahok ay siya namang kakatawan para sa Region 1.