DAGUPAN CITY- Maaaring makaapaketo ang magkaibang interes ng mga senador sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Former Magdalo Representative Gary Alejano, ikinakatuwa man nila ang pag-usad nito at kasalukuyang nasa senado na ang mga artikulo ng impeachement subalit, dapat itong makita bilang mahalagang issue sa bansa.

Aniya, kailangan mauna ang kapakanan ng sambayanan dahil malinaw naman na hindi ito nararapat sa pwesto.

--Ads--

Gayunpaman, maaaring makaapekto sa mga reelectionist ang kanilang desisyon hinggil sa impeachment trial.

Naniniwala si Alejan na maaari rin nila itong gamitin sa kanilang pagtakbo sa nalalapit na National and Local Election (NLE) sa Mayo.

Samantala, inaabangan na lamang ang pagbabalik ng session upang mapagdesisyonan na kung mananatili ba ang bise presidente o tuluyan nang papababain.