Inilikas ang 176 katao na on-board sa isang Airbus plane sa Syudad ng Busan, sa South Korea matapos itong sumiklab.
Sugatan naman ang 4 na indibidwal nang nililisan nila ang naturang eroplano sa pamamagitan ng inflatable slides.
Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog sa likurang bahagi ng eroplano matapos ang pagtake-off nito.
--Ads--
Agad naman rumesponde ang mga bumbero upang apulahin ito bago pa kumalat patungong fuselage.
Sakay naman ng nasabing eroplano ang 169 na mga pasahero at 7 on-board crew.
Patuloy pa rin iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog.