Dagupan City – Mga kabombo! Gaano nga ba ka-useful ang isang escalator?

Eh paano na lang kung ang isang escalator na itinuring na “useful” ay maging useless?

Mukhang ito kasi ang purpose sa isang escalator sa Japan dahil sa sukat nitong 83.4 centimeters o 2.74 feet.

--Ads--

Ang escalator ay binansagang “Petitcalator” o “Puchicalator,” (puchi-kareta sa Japanese), at nakatanggap rin ng parangal bilang “world’s shortest escalator” ng Guinness World.

Ang kakaibang escalator na ito ay matatagpuan sa basement ng More’s Department Store sa Kawasaki City, Japan.

Ayon sa ulat, wala talagang benepisyo ang escalator dahil pagkatapos mong gamitin ito ay may nag-aabang sa iyung hagdanan.

Taong 1989 nang gawin ang mall, kung saan gusto ng mga designers ng department store na ikonekta ang underground level nito sa katabing Azalea underground shopping center.

Ngunit hindi naging perpekto ang alignment kaya nagdesisyon ang mga designers na maglagay ng conventional stairs at escalator.

Sa kabila nito, nakaligtaan ng mga nagdisenyo ng escalator na walang mapagpupuwestuhan ng motor nito kaya iniklian na lang. Hanggang sa napansin ng mga designers na may malaking concrete beam kung saan ilalagay sana ang motor ng escalator.

Sa halip na huwag nang ituloy ang planong maglagay ng escalator, nagdesisyon ang mga designers na liitan na lang ito.

Ang kakatwa, hindi naman na-serve ng world’s shortest escalator ang purpose nitong ikonekta ang dalawang shopping centers.

Sa kasalukuyan, hawak nito ang titulo mula sa GWR sa loob ng 30 taon. Kapag may mga turista sa Kawasaki, pinupuntahan nila ang world’s shortest escalator para lang masabing na-experience nilang gamitin ito.