Nagbabadya ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo nagbabadya sa susunod linggo.
Sa pagtaya ng industriya base sa international trading sa nakalipas na apat na araw, ang presyo ng gasolina ay tataas ng P0.15 hanggang P0.45 kada litro.
Nasa P0.10 hanggang P0.40 kada litro naman ang inaasahang dagdag-presyo sa diesel, habang ang kerosene ay posibleng magkaroon ng rolbak na P0.20 hanggang P0.30 kada litro.
--Ads--
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.