Mga kabombo! Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasawi ang isang pet owner dahil mismo sa kaniyang fur-baby.
Nakakalungkot umanong balita ang ulat na ito para sa mga fur-parents.
Ito’y matapos na aksidenteng nakalmot ang residente mula sa Russia na si Dmitry Ukhin, 55-anyos sa paa ng kaniyang sariling pusa na naging sanhi ng kaniyang pagdurugo sa nasabing parte.
Ayon sa ulat, nag-umpisa ang lahat nang mawala ang pet cat niyang si Styopka nitong nobyembre.
Agad niya itong hinanap, at makalipas ang dalawang araw ay natagpuan niya ito. Ngunit sa araw na iyun, badang alas onse ng gabi, desperado nang kumatok si Dmitry sa pintuan ng kanyang kapitbahay, at doon na nakita ang pagdurugo.
Lumalabas naman na diabetic kasi si Dmitry, at dahil doon ay mayroon siyang blood clotting issues na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi.
Ikinagulat naman ito ng kaniyang misis dahil base sa salaysay sa mga imbestigador na mabait at harmless si Styopka at sobrang close din nito sa amo, kaya hindi lubos na maisip kung bakit gayun na lang ang ginawa nitong pagkalmot kay Dmitry.