Isinasagawa na ang drainage system sa harap ng Dagupan City National High School o DCNHS na ikokonekta sa drainage system sa bahagi ng Ednas School para mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga naturang paaralan.

Layunin ng proyekto na maayos ang daluyan ng tubig at mabawasan ang pag-ipon ng tubig sa kalsada, na maaaring makaapekto sa daloy ng trapiko at pagbiyahe ng mga motorista.

Ang proyekto ay kabilang sa mga hakbang sa flood mitigation at isinagawa kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya para sa mga drainage at iba pang imprastraktura laban sa pagbaha.

--Ads--

Inaasahang makatutulong ang bagong drainage connection sa mas maayos na pagdaloy ng tubig sa lugar, habang nagpapatuloy ang mga monitoring ng LGU upang matukoy at matugunan ang iba pang lugar na nangangailangan ng flood control at drainage interventions.