Dagupan City – Super thankful si Trina Candaza sa mga grasyang kaniyang tinamasa ngayong 2024.

Sa kanyang social media post, inilagay ni Trina sa kaniyang reel ang mga collab at trabahong ginawa niya kung saan kumita siya ng malaking halaga.

Makikita umano sa larawan na nakatanggap siya ng bayad na nagkakahalaga ng P150,000 hanggang P400,000. Pero hindi binanggit ni Trina kung anong brand o kumpanya na kumuha ng kanyang serbisyo.

--Ads--

Ibianahagi rin ni Trina na mayroon din itong VIP clients na bumili sa kanya ng mga gold at diamond jewelry, at kaibigang nilibre ang kanyang hotel room sa Greece trip nila.

Nagpasalamat din si Trina sa mga kaibigan at kamag-anak na laging sumasaklolo sa kanya. Sa comments section, nagkomento ang isang netizen na tulad ni Trina ay isa rin umanong single mom.

Ayon dito, tama lang ang ginawa ni Trina na pag-post sa kanyang mga trabaho para pangsangga sa mga bulung-bulungan tungkol sa kanya — na kesyo may rumored boyfriend itong nagsusustento sa kanya.

Wala raw siyang magagawa kung may masasabi ang ilang tao tungkol sa kanya, pero siya lamang daw ang makapagsasabi ng katotohanan.

Samantala, wala namang narinig na mula kay Trina mula nang ikasal ang ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino kay Charlie Dizon.