Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na lumulutang sa Agno River sa bahagi ng bayan ng Mangatarem.

Ayon kay Pmaj. Mark Ryan Taminaya ang OIC, Mangatarem MPS na bandang alas 3:00 ng hapon kamakailan ng madiskubre ng dalawang magsasaka sa Brgy.Caturay Sur sa naturang bayan ang nasabing bangkay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan na habang nagpapastol ang mga ito ng kanilang mga baka, napansin nila ang isang walang buhay na katawan ng hindi pa nakikilalang babae.

--Ads--

At para hindi na malayo pa ang bangkay ay hinila nila ito sa pampang.

Sa ngayon ay unidentified parin ang bangakay at tinatayang nasa 60-65 taong gulang ito.

Base naman post mortem examination na isisnagawa ay wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima.