Nakatanggap ng bagong ambulansya ang bayan Bayambang matapos itong iprocure ng LGU gamit ang MDRRM Fund for Disaster and Emergency Preparedness.
Ang bagong unit ay panglimang ambulansya na ng LGU, at ito ay nagkakahalaga ng ₱1,840,000.00
Makatutulong naman ito ng malaki sa pagbibigay ng mas mabilis at maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Bayambang.
--Ads--
Naging posible ito dahil sa mga Bayambangueño na nagbabayad ng tamang amilyar at sa mahusay na pamumuno ng kanilang alkalde gayundin ang Chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC).