Nag-iwan ng malaking bilang ng nasawi ang muling pag-atake ng Israel sa northern Lebanon at Gaza.
Batay sa Lebanese health ministry, hindi bababa sa 23 katao ang nasawi, kabilang ang 7 bata sa Almat, malapit lamang sa Byblos, hilagang bahagi ng Beirut.
Habang sa northern Gaza naman ay hindi naman bababa sa 30 katao ang nasawi nang matamaan ang isang bahay sa Jabalia.
Batay sa civil defence, kabilang ang 13 bata sa nasawi.
Wala pang inilalabas na komento ang Israel Defence Forces (IDF) sa nangyari pag-atake sa Lebanon. Subalit, para sa Jabilia, mga terorista umano ang nag ooperate sa lugar at kinakailangan nila itong atakihin upang hindi makapagdulot ng panganib sa mga sibilyan.
Samantala, patuloy pa rin ang operasyon ng rescue workers sa Almat, Lebanon upang hanapin ang mga iba pang nadamay sa pag-atake.