Dumalo ang nasa 105 kwalipikadong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa isang oryentasyon na isinagawa ng Department of Labor and Employment – Regional Field Office 1 (DOLE-RFO 1) sa bayan ng San Nicolas.
Sa ilalim ng programa, bawat benepisyaryo ay tatanggap ng uniporme at Php 435.00 araw-araw sa loob ng sampung araw para sa kanilang serbisyo sa komunidad.
Layunin ng TUPAD na mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na mamamayan na makapagtrabaho at kumita para matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang TUPAD orientation ay naglalayong bigyan ng malinaw na pag-unawa ang mga benepisyaryo sa mga layunin, benepisyo, at responsibilidad sa ilalim ng programa. Layunin din nitong matiyak na maisasagawa nila ang kanilang mga gawain nang wasto, ligtas, at produktibo.
Inaasahan na ang programang ito ay magiging daan sa pag-unlad ng ekonomiya at pagpapabuti ng buhay ng mga benepisyaryo sa rehiyon.