Naglabas ng saloobin si Miss Universe Panama Italy Mora sa kanyang post kasunod ng kanyang dismissal sa Miss Universe 2024 pageant.
Hinihingi niya ngayon sa Miss Universe Organization (MUO) na bigyan siya ng formal copy ng pagkaka-dismiss niya at ang ipinataw na parusa sa kanya.
May nabanggit in siya ukol sa pagsisiwalat niya sa diumano’y violation ng mga karapatan at ginawang extortion sa international beauty pageant.
Bago siya tanggalin, si Miss Panama ay nasa Mexico na, kasama ang iba pang mga kandidata at nagpa-participate sa activities kaugnay ng Miss Universe 2024.
Hanggang sa pumutok ang balitang nag-withdraw na sa pageant si Miss Panama.
Sa inilabas na official statement ng MUO, may sinuway umano ang beauty queen sa “strong ethical principles” ng organisasyon.
Sinasabing ang naging basehan ng pag-dismiss ng MUO sa kanya ay dahil sa pagbubunyag nito ng “personal and sensitive information.”
November 1, 2024 nang mapaulat ang pag-dismiss ng MUO kay Miss Panama.