BOMBO DAGUPAN – Nakakulong na ang isang wanted person sa kasong rape sa bayan ng Santa Maria, Pangasinan.
Ayon kay PMAJ. Regin Cabico, OIC Santa Maria PNP, nahuli ng mga tauhan ng Sta. Maria PS si Christian Paul Picco Capiña, 22 taong gulang, walang asawa, manggagawa at residente ng Brgy. Cabuloan, sa nasabi ring bayan.
Ito ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Krimen ng rape at sexual assault na may inirekomendang piyansa na PhP100,000.00.
Saad ni Cabico, na base sa salaysay ng biktima, niyaya siya ng akusado para manood ng piyesta sa kanilang barangay pero hindi sila natuloy at dinala umano siya sa bodega ng palay.
May pinainom umano sa kanya ng suspek na may di pangkaraniwang amoy na dahilan ng kanyang pagkahilo.
Napag alaman na manliligaw umano ng biktima ang akusado.
Ang naaresto ay dinala sa Municipal Health Office (MHO), para sa medikal na pagsusuri, at pagkatapos ay dinala sa Sta. Maria PS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.