Dagupan City – Naitala ang kaso ng suicide death sa bayan ng Asingan.

Ayon kay PMaj. Jimmy Paningbatan, Officer In Charge ng Asingan PNP natagpuan na lamang ng isang hindi na pinangalanang testigo ang 32-anyos na biktima sa isang garden sa barangay Coldit sa naturang bayan na wala ng buhay.

Kung kaya’t agad naman niya itong itinawag sa hanay ng kapulisan sa bayan at sa kaniyang asawa para humingi ng tulong.

--Ads--

Agad namang nakaresponde ang hanay at dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital.

Kinilala ang biktima mula sa bayan ng San Nicolas. Dito na napag-alamang bumisita pa ang biktima sa kapatid ng kanyang stepfather bago mangyari ang insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang detalye ng nasabing insidente. (Justine Ramos)