Nagbahagi ng kanyang saloobin si Sarah Lahbati matapos niyang ipagdiwang ang kanyang ika-31 kaarawan kamakailan

Ayon sa aktres, nararamdaman niya ang pagiging kuntento sa estado ng kanyang buhay ngayon.

Na-realize di umano niya na hindi niya kailangan ng kalinga ng iba para mabuhay.

--Ads--

Ang pagiging malaya raw niya ay hindi hadlang upang maging maligaya siya sa buhay.

Nahanap na raw niya ang kanyang “inner peace” at “self-worth.”

Malaki rin ang pasasalamat nito sa mga kaibigang nanatili sa kanyang tabi sa pinakamababa at pinakamataas na sandali ng buhay niya.

Noong Enero 6, 2024, nagsimulang maiugnay sina Richard at Barbie Imperial nang maispatan silang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City.

Samantala, si Sarah naman ay wala pang napapabalitang bagong karelasyon.