Dagupan City – Dinagsa ang huling araw ng voter’s registration sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, Commission on Election Dagupan, inasahan na ng mga ito ang pagdagsaan ng mga botante dahil mistulang ganito na rin ang nangyari noong mga nakaraang registration.

Binigyang linaw naman nito na maaari silang mag-cut off anumang oras basta’t naobserbahan na konti na lang ang nagtutungo.

Sa kabila nito, naging maayos at mabilis naman ang nangyaring registration process.

--Ads--

Ayon naman sa botanteng si Dominic Clyde CariƱo, ngayon lamang ito nagkaroon ng oras para asikasuhin ang registration dahil abala ito sa kaniyang pag-aaral. Ganito rin ang naging rason ng transfer voter na si patrolman Dennis Viado, kung saan, aniya ay naging abala rin ito sa kaniyang trabaho kung kaya’t ngayon pa lang niya naharap ang magparehistro.