Nakakamanghang isipin na malayo na ang narating ng girl group na BINI, kung saan binansagan ang grupo bilang “Nation’s Girl Group.”

Ngayon kasi ay inilabas na nila ang first part ng kanilang docuseries na “Chapter 1: Born to Win” na naglalaman ng ilang mga kaganapan sa kanilang gourney bilang isang girl group ng BINI.

Nakasentro ang unang tatlonmg parte ng docuseries sa sa mga kaganapan sa nasabing girl group sa kanilang inaugural major concert na ginanap noong June 28, 29 at 30, 2024 sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

--Ads--

Ang nasabing docuseries ay binuo ng Network News and Current Affairs, sa direksiyon nina Jet Leyco at journalist-writer na si Jeff Canoy.

Matatandaang nagsimula ang sinasabing journey ng BINI noong 2017 bilang isang concept project ng head of Entertainment Production sa isang network. (Luz Casipit)