Mariing itinanggi ng actor na si Carlo Aquino na nagdadalantao ang misis niyang si Charlie Dizon.

Karugtong nito ang binanggit ni Carlo na lahat ng desisyong ginagawa niya sa kanyang career ay isinasangguni muna niya sa asawang si Charlie.

Nangyari ang pahayag matapos na makapanayam si Carlo sa kaniyang upcoming international movie na Crosspoint.

--Ads--

Kung saan ay ginagampanan ni Carlo ang karakter ni Manuel, isang sikat na Filipino actor na nagkaroon ng dry spell sa kanyang career sa loob ng ilang taon.

Ang kwento ng karakter na kinilalang si Manuel nagtungo sa Japan upang ilegal na magtrabaho sa isang cabaret, at maeengkuwentro niya roon ang isang high-profile killer na gagampanan ng kilalang Japanese akcor na si Takehiro Hira, isang Filipino filmmaker na naka-base sa

Japan na si Donnie Ray Ordiales ang direktor ng Crosspoint.

Habang ang French-Canadian na si Hans Bobanovitz naman ang director ng photography.

Kabilang rin dito ang iba pang Filipino actors na sina Marlene dela Peña, Ian de Leon, Polo Ravales, Sarah Abad, at Dindo Arroyo.