Tila isang panaginip ang nangyari sa actor at dancer na si Billy Crawford.

Ito’y matapos maglabas ng post sa kaniyang social media account. Kung saan nagbigay ng mensahe si Billy hinggil sa pagkamatay ng kanyang ama ngayong Linggo, September 22.

Sa kaniyang post, kinumpirma nito ang pagpanaw ng kanyang amang si Jack na naninirahan sa ibang bansa.

--Ads--

Caption nito: “Thank you for being the greatest dad I could ever have! May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man! Love, your son.”

Matatandaang noong May 2022 ay ipinahayag ni Billy ang kasiyahan dahil naipakilala na rin niya sa ama ang anak na si Amari. Kalakip nito ang family picture kasama ang ama sa kanyang bahay sa Quezon City.

Sabay ipinaabot ng kaniyang asawang si Coleen Garcia na siyang nag-organisa ng meetup.

Taong 2020, kasagsagan ng COVID-19, ipinanganak ni Coleen si Amari.

Sa ngayon ay namamayagpag ang career ni Billy sa network, bilang coach sa The Voice Philippines at host sa isang show.