Dagupan City – Nagpahayag ng saloobin si Malasiqui Councilor Daria ‘Dang’ Mamaril ukol sa kaniyang pagpuna sa ilang mga pamamalakad ng kanilang pamahalaan sa bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mamaril, lahat naman aniya ngayon sa buong Pilipinas ay nagpapasa ng budget para sa taong 2025. At sa inilabas nitong pahayag ay inuupdate niya lamang ang mga problema sa bayan ngayong taon na hindi natugunan ng kanilang lokal na pamahalaan nang sa gayon, sa susunod na taon ay magamit ang mga susunod na pondo at matutukan ang mga proyektong dapat unahin.

Matatandaang nangyari ang pagpuna sa pamamagitan ng kaniyang privilege speech sa Sangguniang Bayan (SB) noong Sept. 16, 2024, kung saan binuksan ng konsehal ang isyu ukol sa ilang mga problema ng nasabing bayan, tulad ng anti-rabies vaccines paggastos sa Christmas Lights, sirang bubong sa palengke dahilan ng pagtagas ng tubig tuwing umuulan, napabayaang public plaza, at ang pang-iipit sa kaniyang mga reimbursements sa munisipyo.

--Ads--

Idiniin ng konsehal na noon pa lamang ay nakakikitaan na ang bayan ng kakulangan sa serbisyo kaya’t naudyukat umano ang konsehal na tumakbo upang maging bahagi ng unti-unting pagbabago.

Nabuksan din ng konsehal ang usapin ukol sa utang ng munisipyo noong taong 2021 at ang pagababalak na pag-utang ng munisyo sa Development Bank of the Philippines (DBP) ng halagang P54 million.

Kaugnay naman sa isyu, malaki rin umano ang naitutulong ng hospital sa mga residente ng bayan at sa mga kalapit bayan, ngunit minsang kakulangan sa doktor at mga kinukumpuni sa nasabing hospital ang ilan sa mga dahilan sa pagka-antala ng ilang mga serbisyo, at dapat i-prioritize ang hospital at pagsasa-ayos nito.

Samantala, depensa naman nito, hiwalay ang politika sa personal na buhay sa kaniyang trabaho, at dapat tama at makatarungang serbisyo sa kanilang bayan. (Luz Casipit)