Dagupan City – Nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental ang tinatayang 500 residente sa bayan ng Laoac sa ilalim ng inisyatiba ng Balderas Family.

Ayon kay Laoac Mayor Ricardo Dispo Balderas, daan ito ng kanilang pamilya upang ipaabot ang pasasalamat sa panginoon dahil sa mga biyayang kanilang natatanggap.

Aniya, maski hindi pa ito alkalde ay nakagawian na nilang magbahagi ng mga ganitong inisyatiba bilang tulong na rin sa mga residente sa bayan.

--Ads--


Katuwang ng kanilang pamilya ang Conrado Estrella Medical Hospital and Trauma Center sa Rosales, Laoac Rural Health Unit, Laoac Local Government Unit, at Department of Education.

Pinangunahan naman ito ni Genine Nadal Balderas na siyang manugang ng alkalde, at sa katunayan aniya, ito na ang ika-8 pagkakataon na isinagawa ang nasabing inisyatiba.

Isa sa naging inspirasyon nila ay ang mga residenteng kapos-palad, gaya na lamang ng mga scenario na mas inuuna ang pambili ng pagkain kaysa sa gamot.

Kung saan kabilang sa isinagawa sa aktibidad ay ang free medical consultation, libreng gamot, cbc, rbs, urinalysis, x-ray, at dental service.