BOMBO DAGUPAN – Malaking bahagi sa pagdagsa ng mga turista dito sa lalawigan ang lagay ng panahon kung saan tuwing hapon ay nakararanas tayo ng pag-ulan na kung minsan ay may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Ayon kay Miguel “Mike” Sison, Alaminos City Tourism Officer na bagamat ay hindi naging maganda ang lagay ng panahon noong mga nakaraang linggo at maging sa ngayon ay nagkapagtala parin naman ang kanilang ahensiya ng 893, 015 na tourists connection nito lamang long weekend at mayroong kabuoang 8,706 na turista ang bumisita sa lalawigan.

Kaugnay nito ay mataas ang target nila na tourist arrival ngayong taon na tinatayang 50 milyon at mayroon na sila ngayong 35 million naitatalang connection.

--Ads--

Mayroon na ding 300, 000 tourist arrival simula noong Enero hanggang ngayong buwan ng Agosto at umaasa ito na sana ay mas gumanda pa ang lagay ng panahon.

Marami naman ang dumalaw na mga turista sa Hundred Islands at kadalasan sa mga hanap ng mga ito ay mga water sports activities.

Ibinida din niya na maaari ding dalawin ang pinakabong island dito na tinatawag na Bonsai Islands.

Samantala, dahil sa nararanasang pag-ulan parin tuwing hapon na may kasamang pagkidlat at pagkulog nagpaalala naman ito na mainam agahan ang pag-uwi kapag bibisita dito at huwag nading ipilit na maglayag lalo na kapag hindi maganda ang panahon.